Sabi nila, ang pagtunganga daw ay isang malaking kawalan para sa iyong brain cells. Dahan-dahan daw kasing natutunaw ang brain cells mo kapag inactive kang nakatulala sa ding ding.
Kapag napatunayan ang theory na ito, malamang siguro ay wala na akong natitirang brain cells sa utak.
Ako ay isang kalog na tao. Walang kwentang kausap kapag inaantok, minsa’y walang katuturan ang sinasabi. Kapag walang magawa, paminsa’y minsa’y mapapansin na naupo lamang sa isang tabi, nakatunganga. Nagiisip ng malaliman o kaya’y nagkukuro-kuro sa mga tanong sa buhay.
Wala akong kapatid, ngunit hindi ito ang dahilan sa aking pagka-ganto. Bad genes, I guess. Pero ayos lang. Patuloy pa rin ang daloy ng buhay. Di naman nakakaabala sa ibang tao. Wala din naman itong pahamak sa akin…nauubusan nga lang ako ng brain cells…
Sabi nila, unfair ang life. At matetestigo ko sa mundo na ako ang isang living example ng karumaldumal na katotohanan na iyan.
Meron akong minamahal na tao. Ang masakit dun, feel ko talaga, di nya ako mahal. Ang masakit pa dun, di nya alam na mahal ko siya. Ang masakit din dun, best friend ko siya. Ang masakit pa din na isa dun, may mga gusto siyang iba. At ang para sa akin na pinakamasakit pa, eh…yung mga girl na crush nya? Actually, dalawa sila…yung isang girl, close friend ko. Yung isa naman, mortal na kaaway ko.
Pesteng unfair life.
Pero, di ko ba alam. Bakit nga ba ako nagtyatyaga sa kanya. May iba namang nagmamahal sa kin…yung mga tipo bang alam mong labs ka talaga. Yung alam mong di ka lolokohin, oh kaya eh di ka pinagtritripan. Ngunit di ko talaga ma gets kung bakit ako handa…at patuloy…na nagmamahal ng walang kapalit.
Ganun ba talaga ang pagmamahal? Nawawalan ka ng paki kung ang pagmamahal na namamagitan sa inyong dalawa ay one-way lang? Yung tipo bang, isa lang ang nagbibigay…isa lang ang patuloy na nagmamahal…wala ng pakialamanan kung M.U. sila oh ano. Hay…lintik na pagibig.
Simula ng matuklasan kong di ko lang pala crush ang best friend ko, at mahal ko na pala siya, eh pinilit ko ng mabura ang nararamdaman ko sa kanya. Ginawa ko toh for 3 reasons:
Yung una, kasi di ko maatim na crush ko ang close friend ko. Alam mo yung feeling? Ang hirap kasi ng ganun eh. Biro mo, magiiba ang tingin mo sa bawat salitang sasabihin nya saiyo, bawat kilos nya, bawat text, bawat tawag. Magkakaroon na ng kahulugan sa iyo ang mga ganung bagay. Kung dati, natural na siyang sweet na kaibigan saiyo, ngayon, tila, pakiramdam mo na ay iba na ang pagkasweet nya sa’yo. In short, para bang na pra-praning ka na may gusto siya saiyo, eh wala naman pala.
Yung pangalawa, medyo nahahalata na kasi ng mga kaibigan ko na…medyo…panay-panay ko siyang binabanggit, panay-panay ko siyang tinatawag, panay-panay tinetext…napansin den nila na pagkatapos ko siya tawagan, sobrang ngiti daw ako.
At yung pangatlo…pagod na kasi akong masaktan. Oo, alam ko…parang pangmadramang telenobela na ma’y pamagat na “Ayoko Na…” pero, in fairness, di ako nagbibiro. Talagang totoong masakit nga ang magmahal. Meron pa ngang namamatay, pumapatay at nagpapakamatay dahil diyan sa hinayupak na pagibig na iyan.
Kaya ako…
Leche….
Mukhang matatagalan bago umibig ang tangang ito.
Magpapakamanhid na nga lang ako.
Gaya ng dati.
Sige, alis muna ako.
Tutunganga lang ako sandali sa ding ding para malimutan siya.